Nov 17, 2011

"Salamat at Patawad"



ORIHINAL NA KOMPOSISYON
NI JEWELLE MAE P. SOLIJON

Mama, Papa...
Noon pa man, ako'y nagpapasalamat na,
At nagkaroon ng mga magulang,
Na napakabait, mapagmahal at mapag-aruga.

Bata pa ako noon,
Lagi tayong magkasama...
At kahit saan, kahit kailan,
Ay nasasabi ko ang aking nadarama.

Tama ba?
Na sa aking pagtanda,
Ay di na marunong umako ng responsibilidad
O kaya nama'y magsabi man lang ng "salamat"?

Salamat at Mahal Kita,
Dalawang salitang di mailabas sa aking dila
Iniisip ng utak kong dukha,
Ang mga salitang ito'y napakahirap bigkasin dahil sa hiya.

Ngunit, alam kong ito'y mali
Sapagkat ang pagpapasalamat ay di namimili
Ilang taon nga lang naman ang lumipas,
Ngunit ang pag-uugali ko'y kumupas!

Ako po mismo ang nagkamali sa aking mga gawi
Patawad po at Maraming Salamat
Mahal na Mahal ko kayo
Mga magulang ko....

No comments:

Post a Comment