Tema Wika ang Instrumento sa mga Patakarang Pangkaunlaran at Pangkatarungan
Lahat ng bansa sa mundo ay may sariling mga patakaran, regulasyon o batas na kailangan sundin ng mga mamamayan upang maiwasan ang gulo at di pagkakaunawaan.
Ngunit, kung ating papansinin, lahat ng batas na ito, mapa-"house rules" man, "classroom rules" at marami pang iba, lahat ay nakasulat sa wikang Ingles, isang wikang banyaga.
![]() |
The Rights of Every Filipino Children -isa lamang halimbawa sa mga tuntuning nakasulat sa Ingles |
Bakit ito nakasulat sa wikang banyaga na ang mga mamamayan naman na saklaw sa mga batas na ito ay mga Pilipino?
Alam natin na taun-taon, dumarami pa ang mga Pilipinong hindi nakakapag-aral sanhi ng kahirapan, kaya dumarami rin ang mga hindi marunong magbasa at sumulat, sila yung mga nahihirapang maghanap ng trabaho dahil hindi nakapagtapos, at sila ay mauuwi sa pagkapit sa patalim para lang mabuhay.
Dapat isaalang-alang rin ng mga mambabatas natin na karamihan sa mga Pilipino ay mas nakakaintindi ng wikang Filipino.
Sa paggamit ng ating wika sa pagsulat ng mga batas, mas mauunawan ng bawat Pilipino ang nais ipahiwatig ng bawat batas, sa ganoong paraan, liliit ang porsyento ng mga imoral na gawain.
Napakalaking pagbabago ang nagagawa ng pagtangkilik sa ating wika, hindi lamang natin ito napapansin, ngunit, sa patuloy na paggamit nito, tiyak na uunlad at magbabago ang kalagayan ng ating bansa.
Ano sa tingin mo?
This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook.
hinugot ang larawan mula sa: unicef