Aug 1, 2011

Wikang Filipino, ipagmalaki sa buong mundo!

Tema: Pagpapahalaga sa Pambansang Wika


"Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda"- Jose Rizal




Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas, ito ay isang kumbiyenteng kasangkapan sa pakikipagtalastasan. Maari kang magtungo sa alin mang lugar sa bansa at makipag-usap sa kapwa Pilipino sa pamamagitan ng wikang ito.  

Ayon sa surbey ng National Statistics Office (NSO) noong nakaraang taon, 87% o 58 milyon mula sa 67 milyong Pilipino ang marunong sumulat, magbasa at umintindi ng wikang Filipino. 

Ganoon pa man, hindi pinapansin ng tao ang katotohanan na karamihan sa mga Pilipino ang gumagamit ng Filipino bilang pangalawang wika lamang. May 22 milyon lamang ang nagsasalita nito bilang unang wika.  Doble ng bilang na ito o humigit kumulang 43 milyon  ang nagsasalita nito bilang pangalawang wika.

Paano nga ba natin mapapahalagahan ang ating wika?

Ang ating mga mamamayan ay dapat na  mabigyan ng pagkakataong matuto ng wikang pambansa at ng ibang mga wika ng lalong malawak na komunikasyon gaya ng Ingles.  Dapat silang mabigyan ng pagkakataon na masubukan ang kakaibang mga posibilidad na ibinibigay ng ekonomiyang pambansa at global. Ang dibersidad pangwika ay hindi nangangahulugan ng kawalan ng pagbabago sa katutubong kultura. 




At ang  pinakamahalagang hakbang ay ang baguhin ang ating saloobin sa ating mga wika.  Ituring nating itong kayamanan sa halip na pabigat upang mabigyan ng edukasyon ang ating lipunan at mapaangat ang pamumuhay ng mamamayan. Sa lahat ng oras, ito ay gamitin, ipagmalaki at payabungin sa buong mundo!


Ikaw, bilang Pilipino, anong magagawa mo?

This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook.



datos mula sa: ABS-CBN News
larawan mula sa: thenorsunianartists, pinoy-ofw

38 comments:

  1. nice mganda ang ibig mong ipahatid sa mga tao

    ReplyDelete
  2. tama ka nga... kahit na saan ka naroroon sa mundo, wag mong kakalimutang gamitin ang sariling wika at ito'y ipagmalaki sa lahat..

    ^__^

    ReplyDelete
  3. Sa unang linya pa lamang ay may natutunan na ako,naisip ko nga kaagad kung ano ang mga kahalagahan na maidudulot ng ating wika sa ating bansa,sigurado na ito mismo ang magbibigay ng ilaw,sa mga taong bulag sa katotohanan na kung iisipin ay napakahalaga ng ating wikang Filpino,at asin naman sa mga taong walang pakialam,siyempre ito mismo ang magsisilbing pampasarap, diba kung ang ulam nga kung walang asin walang lasa,kaya kung ang isang bansa ay walang iisang wika magkakagulo,salamat at nabasa ko ito at namulat muli ang aking mga mata,mula ngayon dapat simulan ko na ang dapat na masimulan dati pa.Maganda ang nais mong ipahatid sa atin,mga Pilipino, sanay pagibayuhin pa,iyon lang.

    ReplyDelete
  4. sa wika ntin mapapakita ang ating pagiging nasyonalismo...

    ReplyDelete
  5. @Anonymous1: Salamat sa iyong pahayag. Sana nga ay naintindihan ng lahat ang buod ng aking isinulat.

    ReplyDelete
  6. @Jake Tagalog: hindi naman sa lahat ng oras ay kailangan mo itong gamitin at lalo na kung ikaw ay nasa ibang bansa dahil hindi kayo magkakaintindihan ng iba. hehehe

    ReplyDelete
  7. Ka aya-aya .pahalagahan natin ang sariling wika .

    ReplyDelete
  8. Tama, dapat lang pahalagahan at matutunan ng bawat Pilipino ang Wikang Filipino.. Hindi lang tayo magiging mabango na isda kundi ito rin ang isa sa mga paraan upang magkaintindihan ang mga bawat mamamayan, sa madaling salita ito ang tagapagbigkis ng ating lipunan.. :)

    ReplyDelete
  9. Sasagutin ko yung tanong na : " Bilang Pilipino anong magagawa mo? "
    bilang isang mamamayang Pilipnino,dapat talaga nating mahalin ang ating sariling wika,sapagkat ito ang daan upang tayo'y magkaintindihan at magkaunawaan. Ito din ang dahilan kung bakit nagkakabuklod-buklod tayo bilang Pilipino.Makarating man kung saan,makaharap man kung sino,dapat ipagmalaki na tayo'y Pilipino at nagsasalita sa sariling wika, kahit na marami nang impluwensya ang wikang banayaga ngayon, Hindi naman sana makalimutan ang wikang pinagmulan.
    Kung sana lang maraming kabataan ang makabasa nito ngayon.
    Si Dr. Jose Rizal ay isang taong nagpalaganap ng pagmamahal sa sariling wika. Dapat siya'y tingalaain ng bawat Pilipino sapagkat kung hindi dahil sa kanya ,hindi tayo magkaintindihan at magkakabuklod ngayon. Kahit na watak watak ang mga Pulo ng Pilipinas.
    At sana hindi lang tuwing buwan ng wika maipakita at maalala ang kahalagahan ng ating sariling wika.

    ReplyDelete
  10. @Anonymous2 (Earl Mullet): Maraming salamat sa iyong napakagandang mensahe! Pareho din tayo ng nararamdaman, hindi dapat balewalain ang ating pambansang wikang Filipino dahil ito ang dahilan kung bakit may pagkakaisa tayong lahat. Sana'y mamulat din ang iba sa kahalagahan ng ating wika at bagkus, simulan na rin nila ang dapat nang simulan.

    Muli, salamat sa iyong napakagandang komento.
    Pagpalain ka nawa ng Maykapal!

    ReplyDelete
  11. @Anonymous 3: Tama ka nga. Maipapakita ang pagiging makabayan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng paggamit ng ating pambansang wika, dahil, ito ang patunay na hindi natin ikinakahiya ang ating wikang Filipino.

    ReplyDelete
  12. @jewelle
    sabi ko ba eh sa mga dayuhan..?
    ang ibig kong sabihin ay sa mga pilipino rin..!!


    ??????
    duh!!

    ReplyDelete
  13. @Christian Gino: Tunay, dapat mismo, taypong mga kabataan ang manguna sa kampanya na palaganapin at pangalagaan ang ating wika.

    ReplyDelete
  14. @Kuya Earl Flores: Tunay ngang napakahalaga ng ating wikang Filipino, dahil, sa sinabi mo nga, ito ang tagabigkis sa ating mga Pilipino. Kung wala ito, hindi tayo magkakaintindihan at lalong magkakaroon ng kaguluhan. Salamat sa iyong komento.

    ReplyDelete
  15. @ Cathie Kat: Napakaganda ng iyong mensahe! Ang pag-alala sa kahalagahan, pagbibigay importansya, at pagpapalaganap ng ating wika ay hindi lang dapat ginagawa tuwing Buwan ng Wika. Bilang mga mamamayang Pilipino, dapat, lahat tayo ay may kanya-kanyang ginagawa upang maipahayag ang ating nasyonalismo, isang simpleng paraan, ngunit malaki ang naidudulot, ang paggamit ng ating pambansang wika na pinrutektahan ng ating bayani. Kahit nga magkakalayo at watak-watak ang pulo sa Pilipinas, wag nating kakalimutan na mayroon pa ring nagbibigkis sa ating mga Pilipino, yun ay ang ating pambansang wika.

    Salamat sa iyong komento at gaya mo rin, ipinagdarasal ko ang lahat ng mga Pilipino.

    ReplyDelete
  16. @Jake Tagalog: Yun nga rin ang ibig kong ipahayag :P hahaha

    ReplyDelete
  17. Kahanga-hanga itong iyong isinulat. Nakakagulat na sa dami ng tao dito sa Pilipinas, kaunti lamang ang gumagamit ng wikang Filipino, na kung ating susuriin, 65% ng mga Pilipino ay nasa Luzon, at ang kanilang wika doon ay Filipino.
    Ano na nga ba ang nangyayari sa mga Pilipino sa panahong ito? Isa rin sa mga dahilan kung bakit binabalewala na ang ating wika dahil sa pag-unlad ng teknolohiya. Gamit ang mga teknolohiyang ito, gaya ngayon, pwede na tayong makipag-usap sa kahit na sino saan mang dako ng mundo. At, ang isang avid facebook user ay mayroon talagang mga banyagang kaibigan, at para maintindihan ng mga iyon ang aking status, kailangan ko talaga gumamit ng wikang banyaga. Isa lamang yan sa realidad sa mundo. Kasalanan din nating mga Pilipino kung bakit tayo naghihirap, dahil tayo mismo ay hindi tinatangkilik ang sariling atin.

    ReplyDelete
  18. Napakahusay..talagang idolo na kita Jewelle kong mahal. Mapatagalog man o Ingles,...pasensya na. ayaw ko nang magtagal...hahhahaha

    ReplyDelete
  19. @Jade: Ako ay nakakasimpatiya sa iyong komento. Totoo nga na hindi tayo gaanong kaunlad kagaya ng ibang bansa, Japan, Korea, dahil sila ay may nasyonalismo, pagtutulungan. Tinatangkilik nila ang sarili nilang mga produkto, hindi kagaya sa Pilipinas na bumibili tayo ng mga produkto ng ibang bansa, gaya ng mga produkto na gawang China, dahil sa ito ay mas mura. Sana mapagtanto ng iba kung gaano kahalaga ang pagbibigay importansya sa mga simpleng bagay na nagpapahayag ng ating nasyonalismo, gaya ng paggamit ng ating pambansang wika.

    ReplyDelete
  20. ahaha NC2x........
    im not really good at comments
    but its a nice discussion

    ReplyDelete
  21. @Jaycarson: Hahahaha... Salamat sa papuri Airish :D Hihintayin ko matapos ang iyong isusulat.

    ReplyDelete
  22. Ako ay napakaswerte na maging isang PILIPINO...Kim alonzo^_^

    ReplyDelete
  23. @Kim: At paano mo naman yun nasabi kim?

    ReplyDelete
  24. Ako'y sumasang-ayon sa iyong gustong ipabatid binibini. Sapagkat sadyang mapapahalagahan natin ang ating wika sa pamamagitan ng pag-gamit natin nito saan man tayong sulok ng mundo. Ito ang magsisilbing ugnayan natin sa kapwa natin Pilipino sa ibang bansa at magiging susi sa mas pinadaling pagkakaunawaan nating mga Pilipino dito sa Pilipinas. Kaya tayong mga Pilipino, Pagyamanin, Pahalagahan, Gamitin at Mahalin natin ang wikang ipinagkaloob sa atin .. ^_^

    ReplyDelete
  25. @Trent: Tsek! Dapat nga Tama, Sapat at EKsklusibo ang paggamit natin sa ating wika! Salamat sa iyong komento Ginoo :D

    ReplyDelete
  26. Napakaganda ng mensahe na aking nabasa. Sana ay mapagisip-isip din ng iba, lalo na ng mga kabataan ang kanilang mga responsibilidad o tungkulin sa pagtataguyod ng wikang pambansa.

    ReplyDelete
  27. Oo nga karl, dahil ang pagbabago ay dapat simulan mismo, nating mga kabataan :) Salamat sa pagbibigay ng komento!

    ReplyDelete
  28. Mahusay! Buong puso kong ipinagmamalaki na ako'y isang Pilipino at ipagmamalaki ko ito sa buong mundo!

    ReplyDelete
  29. Tama Aika. Ipagmalaki natin ang ating wika, ang ating lahi :D Tayo ang simula ng pagbabago.

    ReplyDelete
  30. Sa Panahon ngayon ang wikang Ingles ay madaming paggagamitan. Ito ay dagdag sa ating kaalaman. Nasasa atin nakasalalay kung paano natin ito gagamitin. Ang importante, wag mo kalimutan ang iyong pinagmulan at ipagmalaki mo na ikaw ay Pilipino.

    ReplyDelete
  31. tama ka nga kuya! talagang malaki ang naitutulong ng wikang banyaga, gaya ng Ingles pero wag lamang nating kakaligtaan ang paggamit sa ating sariling wika. Salamat!

    ReplyDelete
  32. Ang wikang Filipino ay nagsasalimin ng kultura nating mga Pilipino. Sa pag daan ng panahon at pag usbong ng makabagong teknolohiya, madalas ay nababalewala ang pagpapahalaga sa ating wika. Hindi naman masama ang mag-aral ng banyagang wika dahil kailangan din nating makisalamuha sa iba't-ibang bansa. Pero hindi ito dapat mangahulugan na hindi na natin aralin at gamitin ang ating wika.
    Ako ay umaasang tangkilikin at aralin ng mga Pilipino ang pag gamit ng ating sariling wikang Filipino ngayon at sa darating pang mga henerasyon.

    ReplyDelete
  33. @Anonymous: Yan ang realidad sa mga Pilipino ngayong panahon. Dahil mas gusto pa nilang matutunan ang banyagang wika kaysa sa sariling wika dahil ika nila, mas makakatulong ito sa kanila sa paghahanap ng trabaho at pakikipagsalamuha sa iba. Ngunit, hindi nila alam, na ang ating wika ay simbolo ng ating pagiging makabayan, ito ang nagbubuklud-buklod sa ating mga Pilipino, ito ang dahilan kung bakit tayo ay may pagkakaisa. Kung wala ito, gulo, karahasan at sakuna ang mangingibabaw.
    Sana'y mapagisip-isip ng iba kung gaano kahalaga ang ating wika at simulan na ngayon mismo ang pagbabago. :)

    ReplyDelete
  34. Zedrick Guanzon8/5/11, 11:50 AM

    Maayos ang komposisyon ng blog na ito.. ^^
    Para sa akin, ang paraan para mabigyan ng halaga ang wika, ay ang paggamit nito.. :)

    ReplyDelete
  35. pangalawa na to ah haha
    share ko lang experience ko.. kasi nung college ang daming kunyo sa school, tingin ng lahat sila na ang magali at sila na ang lahat, ako tahimik lang kasi tagalog, ilocano, kankanaey ay hindi ako masyado magaling sa accent ng english.. lagi ako sinasabihan na wala daw mangyayari sa akin kasi english ang major ko at hindi ako magandang magsalita ang english.. abah ginawa kong challenge nag aral ako ng mabuti, at sa awa ng diyos nakatapus naman, at ang mga ka klase ko dati na ang ganda daw ng accent at laging sabi ng teacher na will go places abah oo nga nakapunta sila sa ibang ibang lugat este paaralan hangang ngayun they are still going places..

    gusto ko lang naman share na hindi lahat ng may accent magaling...

    ReplyDelete
  36. @Zedrick: Salamat Zed! At tama ka nga :D Ang paggamit ng wika ang pinakamabisang paraan para maipakita ang ating pagiging makabayan.

    ReplyDelete
  37. @fel-online: Kaya nga po! Hindi dapat magsalita ng tapos.

    ReplyDelete
  38. tama.. gamitin rin natin ang ating mga talento upang mas mabgyang halaga ang ating wika at makumbinse ang ating kapwa na pangalagaan ito.

    ReplyDelete