Aug 8, 2011

Disiplina sa Paggamit ng Wika, susi sa kaunlaran ng Bansa


Tema: Wika sa Pagpapatupad ng Kaunlaran at Disiplina ng Bayan


Japan, Korea, China, at Singapore. Ito ang halimbawa ng mga mauunlad na bansa sa Asya.
Ano nga ba ang dahilan ng kanilang mabilis na pag-unlad? PAGKAKAISA. 
At ano naman ang nagbibigkis sa kanila? WIKA.


Kung ikukumpara, ang ating bansa ay naghihirap, at ang sinisisi ng mamamayan ay ang pamahalaan.


Lahat ng sisi ay napupunta sa iba, diyan naman talaga magaling ang mga tao, mahusay manghusga ngunit bago manghusga, dapat tingnan din muna kung may nagawa siya.




Mga Grupo sa Korea

Ang realidad sa mga Pinoy ngayon: mas gusto pang matuto ng banyagang wika, kagaya ng Ingles (tataguarian kang sosyal at matalino kapag ang wikang ito ang ginagamit mo) at Korean o Hangul( maraming gustong matuto nito dahil sa impluwensya ng Korean Culture – Kpop, Korean Dramas at iba pa, “In na In” ka sa komunidad ngayon kapag alam mo ito). Hindi ito maiiwasan dahil kasabay sa pag-unlad  ng panahon, ang pagkawala ng ating nakasanayang kaugalian.



Hindi lamang ang ating pamahalaan ang dapat sisihin kundi pati na rin ang ating mga sarili.
Kung gusto nating umunlad ang ating bansa, dapat nating mahalin ang sariling atin.

Ang pagiging disiplinado sa paggamit ng ating wika ay tiyak na magbubunga ng kaunlaran sa ating bansa!


Ikaw? Kaya mo bang maipagmalaki ang wika mo?



This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook.


hinugot ang larawan mula sa: Dbestwebdeveloper; Hallyu Wave

33 comments:

  1. ako ay pilipino...sa dugo lng..

    ReplyDelete
  2. kahit na naiimpluwensyahan na tayo ng mga kanluranin ay kailangan pa rin nating ipreserba at mahusay na gamitin ang ating sariling wika.

    ReplyDelete
  3. Interesting blog! hehe. Makabayan talaga ang dating te. for sure, ikaw na ang mananalo.

    ReplyDelete
  4. Tama, tayong mga Pilipino,disiplinahin natin ang ating sarili na gamitin palagi ang ating wika mahalin natin ito,siguradong tayong mga PILIPINO ay uunlad......

    ReplyDelete
  5. hindi naman siguro masama ang paggamit ng ibang wika diba ? pero wag na wag lang siguro natin kalimutan ang sariling wika natin .

    ReplyDelete
  6. @rynlzbm: Bakit mo naman yan nasabi? Ikaw nga ay isang Pilipino, sa dugo, pero kailangan mo rin pangatawanan ang iyong mga responsibilidad bilang isang Pilipino.

    ReplyDelete
  7. @mkj: Sang-ayon ako sa iyo binibini, sa modernong panahon nga natin ngayon, kailangan natin panatilihin pa rin ang ating responsibilidad bilang mga mamamayang Pilipino.

    ReplyDelete
  8. @Anonymous1: Salamat sa pagbisita sa aking blog :)

    ReplyDelete
  9. @Anonymous2 (Earl): Tumpak! Talagang disiplina lamang ang kailangan nating paghusayan. Disiplina sa ating mga sarili at sa paggamit ng ating wika, at tiyak, ang ating bansa ay di hamak na hihigitan pa ang ibang bansa.

    ReplyDelete
  10. @Christian: Oo nga, hindi nga ito masama, lalo na at makakatulong ang mga wikang ito sa atin pagdating ng panahon, ngunit, dapat din isipin ng mga mamamayan na hindi iyon ang ating pambansang wika, hindi yun ang dapat purihin at tangkilikin, sa halip, ang ating wika mismo, ang wikang Filipino.

    ReplyDelete
  11. Totoo nga ang mga sitwasyon na yan dito sa ating bansa. Sana'y mapagisip-isip ng mga mamamayan kung ano talaga ang importansya ng ating wika, lalo na sa ating pag-unlad.

    ReplyDelete
  12. @Dale: Hindi yan maipagkakaila sa modernong panahon natin ngayon, lahat tayo ay naiinganyo sa mga uso, kaya nakiki-uso na rin. Pero, may mga mali rin naman sa atin, dahil hindi natin inisip ang magiging epekto nito sa ating ekonomiya. Kagaya na lamang pagbili sa mga cd o albums ng mga tinitingalang Korean Groups, ngunit, yung mga albums ng ating mga mang-aawit dito sa Pilipinas ay inietsyapwera na lamang.

    ReplyDelete
  13. Ang masasabi ko lang pwede tayong gumamit ng ibang wika tulad ng wikang Ingles, dahil ito ang ating pangalawang wika. Pero dapat huwag din nating kalimutan ang pangunahing wika natin ang wikang Filipino.

    ReplyDelete
  14. Tunay nga! Dahil habang tumatagal ay lalong nagiging moderno na ang ating panahon at di maiiwasang may mga bagong bagay tayong matututunan... pero ang importante eh sa lahat ng ating natutunan, sariling wika natin ay 'wag kalimutan..

    ReplyDelete
  15. @Jake: Sumasang-ayon ako sa iyo ginoo. Dapat lamang na hindi natin ipagsawalang-bahala ang ating sariling wika, dahil ito ang nagsisilbing bigkis natin tungo sa kapayapaan at kaunlaran.

    ReplyDelete
  16. @Ferdinand: Yun na nga ang nais kong ipahiwatig sa mga mambabasa :D

    ReplyDelete
  17. Zedrick Guanzon8/10/11, 4:11 AM

    Mahusay dahil naging karanasan ito ng blogger... ^^

    ReplyDelete
  18. Mahusay na mahusay na mahusay! Ipagpatuloy niyo lang po ito at magkakamalay ang mga tao sa ginagawa nila...

    ReplyDelete
  19. Ang ganda ng nais mong ipabatid sa mga mamamayan. Sana'y ipagpatuloy mo pa rin ang pagsusulat mo ng blogs, kahit matapos man ang Linggo ng Wika. :)

    ReplyDelete
  20. @2peeps: Bakit? Ikaw? Hindi ba? Hehehe.

    ReplyDelete
  21. @Zedrick: Hahahaha. Alam na alam mo talaga at iyon nga po ay totoo :D Naranasan ko na ang mga bagay na iyon kaya ako ay nakakasimpatiya sa realidad.

    ReplyDelete
  22. @Jan Caridel: Bakit? Hindi ka ba tao at hindi ka pa nagkakamalay? Hehe. Biro lamang. Tama ka nga Jan, at sana, marami rin ang susunod sa mga inumpisahan nating rebolusyon ng wika.

    ReplyDelete
  23. I'm a BloggEarl: Salamat sa iyong puna. At asahan mong ipagpapatuloy ko ang aking pagsusulat kahit na matapos pa ang Buwan ng Wika. Ngunit sa nasabi ko nga, hindi lang dapat tuwing Buwan ng Wika natin inaalala at binibigyan ng importansya ang ating wika, dapat oras-oras ay gamitin natin ito.

    ReplyDelete
  24. magaling!magaling!magaling! napakagaking..c:

    ReplyDelete
  25. @Jaycarson: Salamat ai :D Ikaw rin!

    ReplyDelete
  26. Tama naman. Nakakaimpluwensya din sa kaunlaran ng isang bansa ang wika. At disiplina ang susi sa isang organisadong pamayanan. Isipin na lang natin kung nasa wikang Tagalog ang ating mga batas, panigurado pwede na itong ituro kahit sa elementarya pa lamang o kaya sa hayskul. Kapag nalaman na ng mga kabataan at naiintidihan na kahit sino man ang batas, matututo ang mga tao at magkakaroon ng disiplina. Ito lamang ay makakamtan kung sa tulong ng hindi lamang ng gobyerno pati na rin ng bawat mamamayang Pilipino.

    ReplyDelete
  27. @jJampPong: Totoo nga yang iyong ipinabatid kuya! Napakaganda ng iyong mensahe at dapat nga ay yan mismo ang mangyari dito sa ating bansa.

    ReplyDelete
  28. tama ka..dapat natin mahalin ang sariling atin tulad ng ating wika...kaya kong ipagmalaki ang wikang FILIPINO sa buong mundo...pahalagahan at gamitin natin ang sariling atin..

    ReplyDelete
  29. magaling jiwol..!

    ReplyDelete
  30. @Jharvie: Salamat naman! Sana ay makita ko kung paano mo yan gagawin, at ito ay aabangan ko :D Mabuhay abg wikang Filipino!

    ReplyDelete
  31. @Anonymous: Kung sino ka man. Salamat sa pagbisita at pagcomment sa aking blog :D

    ReplyDelete
  32. Kaya nga tayo binuhay bang diyos para ilagmalaki Hindi ikahiya!!!!!:):):)

    ReplyDelete