Tema: "Wikang Filipino: Tugon sa Malinaw na Programa sa Tuwid na Landas"
Araw-araw na lamang tayo nakakarinig o nakakabasa ng mga masasamang balita, balita ng pagkamatay, pagkalat ng sakit, mga aksidente...
Pero, hindi lang ito ang kadalasan nating naririnig na mga balita, mayroon ring mga balita kung saan natin nasasaksihan ang pag-aaklas o pagpoprotesta ng mga kababayan natin dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, pagbaba ng halaga ng sweldo at sa pangkalahatan ay wala silang makitang pagbabago sa gobyerno.
Mga Pilipinong nag-aaklas |
Sa katunayan, hindi naman talaga totoo at walang batayan ang rason na "Walang Pagbabago sa Gobyerno". Hindi lang naiintindihan ng mga mamamayan ang mga sinusulong na programa ng gobyerno dahil nga sa ito'y mahirap unawain sa wikang hindi atin.
Sa pangkalahatang sabi, hindi lamang nakakatulong ang ating wika sa pagpapa-unlad ng ekonomiya, ngunit pati na rin sa pagpapaintindi sa ating kapwa Pilipino sa mga tuntunin o programang naisagawa na ng ating pamahalaan para wala na mismong magrereklamo sa harapan ng mga ahensya ng gobyerno.
Sa pangkalahatan, sa simpleng paraan, sa pagtangkilik sa ating wikang Filipino at sa paggamit nito, nakakatulong tayo sa pagbibigay ng kalinawan sa ating kapwa Pilipino at sa ganitong pamamaraan tuwid na landas ang ating kahahantungan.
This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook.
larawan mula sa: radulce files
tama ka...dapat natin gamitin ang wikang filipino sa mga pinapatupad na batas at para maunawaan ng iba ang isinasaad dito...
ReplyDeleteYes, you're right. =))
ReplyDelete@Jharvie: Oo nga jharvie, kasi hindi naman lahat ng Pilipino ay nakakapagsalita at nakakaintindi ng wikang banyaga.
ReplyDelete@Joanna: Salamat
ReplyDeleteAng pagbabago ay nagsisimula sa sarili.. Hindi ito agad2x na makakamit sa pag-aklas.. ^^
ReplyDelete@Zedrick: Tama! Kung wala kang katugustuhang magbago, di ka talaga magbabago.
ReplyDeletehello there.. Am a pinoy blogger too, I just started blogging this june 2011.. I'm looking for pinoy bloggers coz' more of my followers are from abroad.. Am a new follower here, check out my blog and follow me too if you like.. although my blog is a little bit different from your blog, Am a fashion blogger kasi, but I will appreciate if you follow me back! hahaha, I want to see more of your post =)) OLA pinoy bloggers! MAbuhay!
ReplyDeletehttp://sittieinthecity.blogspot.com
@Sittie: Salamat po. At asahan nyong marami pa kayong mababasa sa susunod na mga araw, concentrate po muna kasi ako sa buwan ng wika blog writing contest this august :)
ReplyDeleteJust followed you back pla!
God Bless Pinoy Blogger :)
tama. ang paggamit ng wikang filipino ay magreresulta sa isang bansa na may magandang pagkakaunwaan. gamit nito, naiisulong natin ang kapayapaan.
ReplyDelete