Aug 22, 2011

"Teamwork"

Ako ay isang mag-aaral. Alam ko, ikaw rin. 
At kahit saan mang paaralan, ang guro man nasa harapan, hala, nagkokopyahan!

cr to 4p


Cheating o pangongopya ng sagot. Kapag hindi ikaw ang nasa sitwasyon, iisipin mo talagang mali ito, ngunit pag ikaw na ang gumawa, dedepensa ka pa at ipagtatangol ang grupo.
Kadalasang dinadahilan ng mga estudyante kung bakit ginagawa nila ang pangongopya ay dahil sa gusto nilang matulungan ang kanilang mga kaklase sa mga bagay na hindi nito alam, ika nga, "SHARING IS GOOD".

Ngunit, mali ang pagkakaintindi ng mga estudyante sa terminong "teamwork", imbes na nakakatulong sila, nakakasama pa ito sa kanilang mga kasabwat, at sa oras ng kagipitan, damay lahat!

Ang tamang pagtutulungan o teamwork ay ginagawa sa klase o bago pa man magsimula ang exam. Ang pagtulong sa iyong kaklase sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanya ng mga bagay na hindi niya maintindihan ay isang halimbawa ng pagbabahagi o sharing.

Sa ganyang paraan, natututo ang mga estudyante sa mga tamang gawain at hindi sila lumilihis ng landas. Ang simpleng pangongopyang ginagawa ang umpisa ng pagkalulong ng mga estudyante sa bisyo, palagiang pagsisinungaling sa mga magulang at kung anu-ano pa.

Samakatuwid, ang inaakala ngayon ng iba na maganda at mabuting pamamaraan para hindi bumagsak sa exams ay imbes na makatulong, nakakasama pa.

2 comments: