Aug 15, 2011

Wikang Filipino: Instrumento sa Pagbabago

Tema Wika ang Instrumento sa mga Patakarang Pangkaunlaran at Pangkatarungan

Lahat ng bansa sa mundo ay may sariling mga patakaran, regulasyon o batas na kailangan sundin ng mga mamamayan upang maiwasan ang gulo at di pagkakaunawaan.

Ngunit, kung ating papansinin, lahat ng batas na ito, mapa-"house rules" man, "classroom rules" at marami pang iba, lahat ay nakasulat sa wikang Ingles, isang wikang banyaga.

The Rights of Every Filipino Children
-isa lamang halimbawa sa mga tuntuning nakasulat sa Ingles


Bakit ito nakasulat sa wikang banyaga na ang mga mamamayan naman na saklaw sa mga batas na ito ay mga Pilipino?


Alam natin na taun-taon, dumarami pa ang mga Pilipinong hindi nakakapag-aral sanhi ng kahirapan, kaya dumarami rin ang mga hindi marunong magbasa at sumulat, sila yung mga nahihirapang maghanap ng trabaho dahil hindi nakapagtapos, at sila ay mauuwi sa pagkapit sa patalim para lang mabuhay.


Dapat isaalang-alang rin ng mga mambabatas natin na karamihan sa mga Pilipino ay mas nakakaintindi ng wikang Filipino.


Sa paggamit ng ating wika sa pagsulat ng mga batas, mas mauunawan ng bawat Pilipino ang nais ipahiwatig ng bawat batas, sa ganoong paraan, liliit ang porsyento ng mga imoral na gawain.


Napakalaking pagbabago ang nagagawa ng pagtangkilik sa ating wika, hindi lamang natin ito napapansin, ngunit, sa patuloy na paggamit nito, tiyak na uunlad at magbabago ang kalagayan ng ating bansa.


Ano sa tingin mo?


This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook.

hinugot ang larawan mula sa: unicef

18 comments:

  1. tama!

    tangkilikin ang sariling atin..
    huwag iba ang angkinin..c:

    ReplyDelete
  2. tama nga!kailangan nating tangkilikin ang sariling atin dahil ito ay nagbibigay lakas upang tayo ay umunlad.=)

    ReplyDelete
  3. sa ATIN magsisimula ang pagbabago! Kaya't dapat linangin ang sariling atin upang pag unlad ng kultura at lahi ang mangibabaw.

    ReplyDelete
  4. Tama ka talaga ate. Kahit na sa pagsunod sa mga palatuntunin sa paaralan kagaya ng pag salita ng wikang filipino, nauumpisahan na nating disiplinahin ang sarili natin.

    ReplyDelete
  5. @jaycarson: Hahahaha. Nakakatuwa naman ang iyong gustong ipahiwatig :D

    ReplyDelete
  6. @Alyssa: Sumasang-ayon ako sa iyo :D Ang pagtangkilik sa sariling atin ay napakaimportante salik sa pag-unlad ng bansa.

    ReplyDelete
  7. pwedeng ang sa banyaga'y tangkilikin din..
    bsta wag lang kakalimutan ang sariling atin..

    ^__^

    ReplyDelete
  8. @Kim Henri: Dapat lang! Tayong mga kabataan ang tinaguriang pag-asa ng bayan kaya dapat nating ipakita kung ano ang magagawa nating pagbabago :D

    ReplyDelete
  9. @Dwight: Napakaimportante ng disiplina Dwight, lalo na sa simpleng pagsunod lamang sa ating mga tuntunin sa paaralan. Ito ay makakatulong sa ating pag-unlad.

    ReplyDelete
  10. @Jake: Oo, tama ka. Ngunit, wag lamang nating abusuhin ang pagtangkilik sa banyagang wika.

    ReplyDelete
  11. Sa tingin ko hindi direkta talaga ang interaksyon ng kahikahusan at ng wika pero naaapektuhan pa rin nila ang isa't isa. Sa huli, ang lahat ay babagsak sa edukasyon ng mga mamamayan ng bansa. Bigyang pansin na lamang natin ang mga taong nasa pinakamababang antas ng ikinabubuhay - ang mga magsasaka. Kung ang mga magsasaka lamang ay makakaintindi ng mga simpleng panuto tungkol sa mga bagong teknolohiya sa pagtatanim, dadami ang kanilang ani at maaaring umahon na sa mahirap na buhay. Ihawig na din natin sa mga inhinyero. Kalimitan sa mga inhinyero (hindi naman sa pangkalahatang aspeto) ay hindi masyadong magaling sa lenggwaheng Ingles ngunit sila naman ay nakakaintindi ng husto ng agham at matematika at namamayagpag pa sa kani-kanilang mga larangan. Ang mga hapon (Japanese) nga ay hindi nga kagalingan sa pagsasalita ng Ingles ngunit ang kanilang ekonomiya at teknolohiya ay hindi hamak na mas mahusay kaysa sa ating mga Pilipino kahit na tayo ay mas magagaling pa sa kanilang magsalita ng Ingles. Sa totoo lang, ang wika ay "isa sa mga susi" sa pagbubukas ng pintuan patungo sa pagbangon muli ng ating bansa.

    ReplyDelete
  12. ang haba ng comment ko. wohoo! haha!

    ReplyDelete
  13. @jJampPong: Kuya, saludo ako sayo! Napakagaling :D Totoo nga ang iyong mga komento at sumasang-ayon ako. Ayon nga sa mga nauna kong isinulat, nabilang din ang Japan sa aking mga halimbawa, at tama ka nga, mas magaling pa tayong mga Pilipinong magsalita ng Ingles kaysa sa kanila, ngunit, kung ihahambing ang kaunlaran sa ekonomiya, tiyak na tayo'y napakalayo pa sa kanila. At ang wika ang dahilan kung bakit sila ay nagkakaisa. Yan ang dapat gawin nating mga Pilipino upang umunlad ang ating bansa. Kailangan ipagmalaki natin na tayo ay mga Pinoy at Filipino ang ating wika :D

    ReplyDelete
  14. @jJampPong: Salamat nga pala kuya sa iyong mahaba at napakabuluhang komento :D
    Mabuhay tayong mga Pilipino!

    ReplyDelete
  15. eh.. kapag ang batas ay nasa wikang Filipino,mahirap na itong intindihin(para sa normal,lalo na sa mga hindi nakapag-aral) dahil sa kailangan nitong magtaglay ng malalalim na salita dahil bawal ang "slang" sa pagsulat ng batas...
    ang nakakapanghinayang lang eh,wala akong mahanap na diksyunaryong filipino na naglalaman ng lahat ng mga salita na ginagamit sa panitikan,sa pang araw-araw na pag-uusap,at iba pa....
    di tulad sa wikang Ingles(specifically)...

    hindi naman sa sinasabi kong ayaw ko sa wikang filipino...minsan lang talaga may salita akong nababasa na wala sa diksyunaryo na nakapag papainis sa akin...wala akong mahanap na konkretong kahulugan ng salitang nasa malalim na filipino.

    nakakapanghinayang man na malaman na isang filipino na katulad ko ay kinekwestyon ang sariling wika,atbp.
    yun ay dahil, ganito lang talaga ako...curious
    ^_^

    ReplyDelete
  16. skeptic rin pala ako...hehehe ^_^

    ReplyDelete
  17. ako ay lubos na nagtataka bakit nkasalin sa ingles ang mga batas na ito na ipinapaalam sa mga Pilipino gayong tayo ay narito sa Pilipinas at ang mga tao ay mga Pilipino hndi mga kano at iba pang lahi... kaya nga mayroong wikang filipino blang wikang pangkalahatan upang magkaroon ng mas magandang komunikasyon at kapayapaan...

    ReplyDelete