Aug 29, 2011

Wikang Filipino, Wikang Panglahat

Tema: Wikang Filipino: Tinig ng mga Guro, Tinig ng mga Mag-aaral, Wika ng Kabayanihan


Mabuhay!

Kahit saang parte man ng Pilipinas ay nagkakaintindihan tayong mga Pilipino. Napakahalaga at napakalakas ng ating wika sapagkat sa kabila ng daan-daang mga dayalekto sa iba't-ibang parte ng bansa, napag-iisa tayo ng iisang wika, ang ating wika, ang Wikang Filipino.



Bilang mga mamamayan ng ating bansa, dapat nating paunlarin ang isip nasyonalismo at ipakita ang ating pagiging makabayan. Sa pamamagitan ng pagtangkilik sa ating mga produkto, sa ating mga nakaugalian, sa ating kultura, at higit sa lahat sa ating wika, naipapakita natin ang ating pagiging tunay na Pilipino.

Isaisip natin parati ang sinabi ng ating bayani na ang taong hindi nagmamahal sa kanyang sariling wika, higit pa sa hayop at malansang isda. Patunayan rin natin na ang kabataan ang pag-asa ng bayan!

Pilipino, ipagmalaki ang wika mo!



This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook.

1 comment:

  1. tama! bgyan nating halaga ang ating wika.. ipakita natin sa buong mundo na hndi pa endangered species ang mga Pilipinong may nasyonalismo! :) ito ay ating pagkakakilanlan. dpat natin itong ipagmalaki.

    ReplyDelete