Jul 22, 2011

Buhay AlSci

Time passed by so quick!
Parang kailan lang nang isa din ako sa mga nangarap na makapasa sa entrance exam ng nag-iisang Science High School sa rehiyon, ang Alabel National Science High School.


Laking pagpapasalamat ko sa Panginoon nang ako ay matanggap sa AlSci, di ko sukat akalain na ang isang tulad ko, kung ihahambing mo sa mga nakapag-aral sa mga pribadong institusyon ay makakapasok pa sa top 5 noong entrance exams.


Nagsimula nga ang "era" ng AlSci Batch 13 noong Mayo, 2008.
Marahil nagtataka kayo kung bakit Mayo at hindi Hunyo...
Taun-taon kasi ay mayroong ginaganap na summer class sa AlSci para sa mga incoming freshmen, para ma-advance sa ilang topics sa 1st year.


Musmos at inosente pa akong humarap nung summer class at opening of classes.
Medyo naninibago pa kasi ako sa bagong paaralan, bagong mga guro at bagong mga kaklase.
Si Christian Gino lang ang kaklase ko nung elementarya na kasabay ko sa institusyon...


Magkakaroon kaya ako ng maraming kaibigan? Kaya ko kaya ang mga pagsubok sa institusyong ito?
Yan at marami pang mga tanong ang sumagi sa aking isipan noong unang araw ng pasukan. Pero inisip ko na lamang na hindi ko muna dapat i-pressure ang sarili ko... Kung hanggang saan lamang ang aking makakaya, dun lang din ang aking limitasyon sa ngayon at di ko na pipiliting lampasan pa...


Araw-araw may takdang aralin, sunud-sunod ang quizzes, dapat lagi ka talagang nagtitake-note, at dapat talagang galingan mo sa reporting, recitation at group activities. Bawal ang mahiyain kung gusto mo talagang umangat.


Akala ko hindi ko kaya...Hanggang "AKALA" lang pala yun...
Kinaya kong maging top ng batch 13 for our 1st school year!
At sinabi ko sa sarili ko, "Hindi dapat ako maging overconfident dahil naabot ko na ito, dapat magsumikap pa ako sa susunod".






Dumating nga ang 2nd year life, at mas naging mahirap ang mga subjects dahil may research na...
Ayun!
Mas dumadalas na kaming puyat, gutom, etc...
Buti na nga lang at naiintindihan kami ng aming mga magulang..


Mas madaming opportunities ang naibigay sa akin nung 2nd year. Math Olympics lamang ang nasalihan ko nung 1st year, pero nang dumating ang 2nd year ay nakalahok din ako sa Press Conference at yun ay isa sa mga di ko malilimutang patimpalak.


Napili din ako na lumahok sa 2nd Regional Science HS Summit sa Tagaytay kasama ang ilan pang estudyante at guro ng aming institusyon. Napakalaking pribiliheyo na yun para sa akin...


At sa pagtatapos nga ng aming 2nd year life, nagbunga pa rin ng top honor ang aking pinaghirapan.






3rd Year? Hmmmmm....
Tama nga naman, every year ay mas mahirap ang pinagdaraanan...
Nahirapan talaga akong mag-adjust sa new subjects as well as the subject teachers..
Lalo na ang Physics, Chemistry at Pre-Calculus!
"Hindi pala ganun kadali", sabi ko....
"Kaya ko parin kaya ito? Lalo na't ang over-all top 10 ay nasa iisang klase na lamang?"


Ang dami-dami kong iniisip nung mga oras na yun, ngunit, napagtanto ko na kapag kasama ko lagi si God, anything is possible!


So, nagsumikap ako, study.... study.... study....
Pero, madalas din naman kaming nagkakasiyahan, di lang puro "study".
Hahaha. Isingit na ang mga kabulastugan ng aming batch, especially, ng aming grupo...
Ang BUD SISTERS!


Yeah! Magkakaklase kami lahat nung 3rd year, sabay laging kumakain at naglilibang. hahaha.. I can't still remember the past.
Well, past is past...


3rd year, nadagdagan ang ang aking inspirasyon at mas lalo akong nagsikap.
Ayun! At the end of 3rd yr, ako pa rin ang nagtop....


Thank you so much Lord!




Here come's our 4th and Final HS year..


Ahhhhh... Ang sakit isipin na bilang nalang ang mga araw namin sa AlSci. :'(
huhuhu...
Pero di bale, we will make this year a very memorable one for our batch and also to the lower years as well!


Yeah! Kahit mahirap lahat ng subjects, kakayanin pa rin!
Hindi ko lang alam if I can exceed my limitations this year, but I will try to do my best to be able to enjoy and also reach my dream.

No comments:

Post a Comment