Aug 29, 2011

Wikang Filipino, Wikang Panglahat

Tema: Wikang Filipino: Tinig ng mga Guro, Tinig ng mga Mag-aaral, Wika ng Kabayanihan


Mabuhay!

Kahit saang parte man ng Pilipinas ay nagkakaintindihan tayong mga Pilipino. Napakahalaga at napakalakas ng ating wika sapagkat sa kabila ng daan-daang mga dayalekto sa iba't-ibang parte ng bansa, napag-iisa tayo ng iisang wika, ang ating wika, ang Wikang Filipino.



Bilang mga mamamayan ng ating bansa, dapat nating paunlarin ang isip nasyonalismo at ipakita ang ating pagiging makabayan. Sa pamamagitan ng pagtangkilik sa ating mga produkto, sa ating mga nakaugalian, sa ating kultura, at higit sa lahat sa ating wika, naipapakita natin ang ating pagiging tunay na Pilipino.

Isaisip natin parati ang sinabi ng ating bayani na ang taong hindi nagmamahal sa kanyang sariling wika, higit pa sa hayop at malansang isda. Patunayan rin natin na ang kabataan ang pag-asa ng bayan!

Pilipino, ipagmalaki ang wika mo!



This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook.

Aug 26, 2011

Diwa ng Tuwid na Landas

Tema: "Wikang Filipino: Tugon sa Malinaw na Programa sa Tuwid na Landas"

     Araw-araw na lamang tayo nakakarinig o nakakabasa ng mga masasamang balita, balita ng pagkamatay, pagkalat ng sakit, mga aksidente...

   Pero, hindi lang ito ang kadalasan nating naririnig na mga balita, mayroon ring mga balita kung saan natin nasasaksihan ang pag-aaklas o pagpoprotesta ng mga kababayan natin dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, pagbaba ng halaga ng sweldo at sa pangkalahatan ay wala silang makitang pagbabago sa gobyerno.

Mga Pilipinong nag-aaklas


     Sa katunayan, hindi naman talaga totoo at walang batayan ang rason na "Walang Pagbabago sa Gobyerno". Hindi lang naiintindihan ng mga mamamayan ang mga sinusulong na programa ng gobyerno dahil nga sa ito'y mahirap unawain sa wikang hindi atin.

          Sa pangkalahatang sabi, hindi lamang nakakatulong ang ating wika sa pagpapa-unlad ng ekonomiya, ngunit pati na rin sa pagpapaintindi sa ating kapwa Pilipino sa mga tuntunin o programang naisagawa na ng ating pamahalaan para wala na mismong magrereklamo sa harapan ng mga ahensya ng gobyerno.

      Sa pangkalahatan, sa simpleng paraan, sa pagtangkilik sa ating wikang Filipino at sa paggamit nito, nakakatulong tayo sa pagbibigay ng kalinawan sa ating kapwa Pilipino at sa ganitong pamamaraan tuwid na landas ang ating kahahantungan.



This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook.

larawan mula sa: radulce files

Aug 22, 2011

"Teamwork"

Ako ay isang mag-aaral. Alam ko, ikaw rin. 
At kahit saan mang paaralan, ang guro man nasa harapan, hala, nagkokopyahan!

cr to 4p


Cheating o pangongopya ng sagot. Kapag hindi ikaw ang nasa sitwasyon, iisipin mo talagang mali ito, ngunit pag ikaw na ang gumawa, dedepensa ka pa at ipagtatangol ang grupo.
Kadalasang dinadahilan ng mga estudyante kung bakit ginagawa nila ang pangongopya ay dahil sa gusto nilang matulungan ang kanilang mga kaklase sa mga bagay na hindi nito alam, ika nga, "SHARING IS GOOD".

Ngunit, mali ang pagkakaintindi ng mga estudyante sa terminong "teamwork", imbes na nakakatulong sila, nakakasama pa ito sa kanilang mga kasabwat, at sa oras ng kagipitan, damay lahat!

Ang tamang pagtutulungan o teamwork ay ginagawa sa klase o bago pa man magsimula ang exam. Ang pagtulong sa iyong kaklase sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanya ng mga bagay na hindi niya maintindihan ay isang halimbawa ng pagbabahagi o sharing.

Sa ganyang paraan, natututo ang mga estudyante sa mga tamang gawain at hindi sila lumilihis ng landas. Ang simpleng pangongopyang ginagawa ang umpisa ng pagkalulong ng mga estudyante sa bisyo, palagiang pagsisinungaling sa mga magulang at kung anu-ano pa.

Samakatuwid, ang inaakala ngayon ng iba na maganda at mabuting pamamaraan para hindi bumagsak sa exams ay imbes na makatulong, nakakasama pa.

Aug 15, 2011

Wikang Filipino: Instrumento sa Pagbabago

Tema Wika ang Instrumento sa mga Patakarang Pangkaunlaran at Pangkatarungan

Lahat ng bansa sa mundo ay may sariling mga patakaran, regulasyon o batas na kailangan sundin ng mga mamamayan upang maiwasan ang gulo at di pagkakaunawaan.

Ngunit, kung ating papansinin, lahat ng batas na ito, mapa-"house rules" man, "classroom rules" at marami pang iba, lahat ay nakasulat sa wikang Ingles, isang wikang banyaga.

The Rights of Every Filipino Children
-isa lamang halimbawa sa mga tuntuning nakasulat sa Ingles


Bakit ito nakasulat sa wikang banyaga na ang mga mamamayan naman na saklaw sa mga batas na ito ay mga Pilipino?


Alam natin na taun-taon, dumarami pa ang mga Pilipinong hindi nakakapag-aral sanhi ng kahirapan, kaya dumarami rin ang mga hindi marunong magbasa at sumulat, sila yung mga nahihirapang maghanap ng trabaho dahil hindi nakapagtapos, at sila ay mauuwi sa pagkapit sa patalim para lang mabuhay.


Dapat isaalang-alang rin ng mga mambabatas natin na karamihan sa mga Pilipino ay mas nakakaintindi ng wikang Filipino.


Sa paggamit ng ating wika sa pagsulat ng mga batas, mas mauunawan ng bawat Pilipino ang nais ipahiwatig ng bawat batas, sa ganoong paraan, liliit ang porsyento ng mga imoral na gawain.


Napakalaking pagbabago ang nagagawa ng pagtangkilik sa ating wika, hindi lamang natin ito napapansin, ngunit, sa patuloy na paggamit nito, tiyak na uunlad at magbabago ang kalagayan ng ating bansa.


Ano sa tingin mo?


This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook.

hinugot ang larawan mula sa: unicef

Aug 8, 2011

Disiplina sa Paggamit ng Wika, susi sa kaunlaran ng Bansa


Tema: Wika sa Pagpapatupad ng Kaunlaran at Disiplina ng Bayan


Japan, Korea, China, at Singapore. Ito ang halimbawa ng mga mauunlad na bansa sa Asya.
Ano nga ba ang dahilan ng kanilang mabilis na pag-unlad? PAGKAKAISA. 
At ano naman ang nagbibigkis sa kanila? WIKA.


Kung ikukumpara, ang ating bansa ay naghihirap, at ang sinisisi ng mamamayan ay ang pamahalaan.


Lahat ng sisi ay napupunta sa iba, diyan naman talaga magaling ang mga tao, mahusay manghusga ngunit bago manghusga, dapat tingnan din muna kung may nagawa siya.


Aug 1, 2011

Wikang Filipino, ipagmalaki sa buong mundo!

Tema: Pagpapahalaga sa Pambansang Wika


"Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda"- Jose Rizal




Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas, ito ay isang kumbiyenteng kasangkapan sa pakikipagtalastasan. Maari kang magtungo sa alin mang lugar sa bansa at makipag-usap sa kapwa Pilipino sa pamamagitan ng wikang ito.  

Ayon sa surbey ng National Statistics Office (NSO) noong nakaraang taon, 87% o 58 milyon mula sa 67 milyong Pilipino ang marunong sumulat, magbasa at umintindi ng wikang Filipino. 

Ganoon pa man, hindi pinapansin ng tao ang katotohanan na karamihan sa mga Pilipino ang gumagamit ng Filipino bilang pangalawang wika lamang. May 22 milyon lamang ang nagsasalita nito bilang unang wika.  Doble ng bilang na ito o humigit kumulang 43 milyon  ang nagsasalita nito bilang pangalawang wika.